06 February 2008

"Si Ma'am?"

Isang reporting day sa klase sa MH317.

Ako'y nakaupo sa likod. Sa aking kaliwa naman nakaupo ang isang estudyanteng tawagin na lang nating S. Sa gitna ng pagsasalita ng mga nag-uulat sa harap ng klase, pumasok ang palaging late na si estudyanteng U.

Umupo si U sa aking kanan na hindi man lang napansin na ako pala ay nasa kanyang tabi, habang ang ibang mga estudyante sa aming harapan naman ay tahimik na nakikinig sa pag-uulat.

Makalipas ang ilang segundo, walang kamuang-muang na kanyang tinanong ang aking katabi sa kaliwa: "S, si ma'am?"

Ni hindi nya man lang napansin na ako pala ay nakangiti na sa kanya! At si S, ni hindi na nakapagsalita, at ako'y itinuro na lamang na nasa kanyang tabi pala!

Sa kanyang pagkagulat sa mga pangyayari, at sa kanyang pagtatanong na narinig pala ng marami, aking nasisiguro na kahit ilang taon na ang nakalilipas, ito ay hindi pa rin nya nalilimutan. =P

4 comments:

Florence said...

bwahaha :D

kinniebear said...

nakakatawa naman 'to...yikes napaisip tuloy ako kung may ganito ba akong experience sa class n'yo hahaha. (sana wala) pero nacurious ako bakit U ang napili mong letter hehehe.

tsoisi said...

Panalo to! Haha. The funniest so far! Kaya una ko kagad to naisip when I decided to add teacher tales in my blog eh. =P

Bakit U? First letter ng name. (hint!) XD

kinniebear said...

hmmm...
anna...meliza...honey...kinniebear...safe na bang sabihing hindi ako 'to? =P
pero panalo nga 'to! kaso wala naman akong kakilala na U___ hehe.