Sa loob ng mahigit labing tatlong taon ng aking pamamalagi sa Unibersidad ng Pilipinas, at sa paminsan-minsang pagdaan sa Katipunan, kanina ko lamang natikman ang Japanese sweet corn, may luto.
Masarap pala. Sayang, ngayon ko lang nalaman. Bakit nga ba ang mga bagay na nasa ating paligid at madalas nakikita ay ating nababalewala sa maraming pagkakataon? Bakit kung kelan malapit nang mawala sa atin, ay saka lang natin nalalaman ang halaga?
Ah, tama na ang pag-e-emo. Malamang ito ay sa kadahilanang isang linggo na lamang ang nalalabi...
Nga pala, masarap din pala ang tahong chips. Sayang at ngayon ko rin lang natikman..
13 July 2008
Japanese Sweet Corn. May Luto.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments:
Post a Comment