Ngayon lang ata nangyari sa kasaysayan ko bilang mag-aaral na isang oras ako nakatitig sa tanong, at di alam kung pano ito sasagutin. :P Ang mahirap pa nito, mahilig sumilip ang aking guro sa kung ano ang sinusulat ng mga nag-e-eksamen sa kanilang mga papel. Ang hirap magpanggap na may sinusulat ka! Hahaha. Buti na lang nadadaan sya sa ngiti. ^_^'
Di ko naman ginawa ang silipin ang mga sinusulat ng mga estudyante ko noong ako ay guro pa. :P
D talaga yata ako pang-CI! Marahil kulang pa ang dalawang linggong tuloy-tuloy na pag-aaral para sa isang kurso na wala akong natutunan sa loob ng silid-aralan, kung kaya't kinailangang magsariling sikap sa pag-aaral upang may maintindihan. At ito ay hindi naging maging madali. Nung ako'y nag-aaral pa lang para sa eksamen, tinitingnan ko pa lang ang mga babasahin na sanhi ng pagkaubos ng aking dalawang buwang supply ng papel (1 ream/month, 2 page/sheet, back-to-back), parang gusto kong bumagsak na lang. :P Pero hindi, binasa ko pa rin! ^_^'
Bakit ko nga ba to kinuha? Haha. Si sup kasi eh.. ayaw ako pakuhanin ng madaling kurso.. buti na lang yung isang kurso na kasabay nito ay mas madali ng kaunti (Biostatistics). Dun na lang ako babawi. :)
Sana lang maabot ko ang kelangang marka. Ang mahirap lang dito, isang eksamen lang dito sa bawat kurso... hindi katulad sa UP na may long exams at final exam na pwede ka bumawi pag bumagsak ka sa mga naunang eksamen. Dito, do or die. Pass or fail.
At isang buwan ang kelangan ko pa hintayin para malaman ang resulta ng aking mga pagsusulit. Sa ngayon, bawi muna ng pahinga, para mawala ang tatlong layers ng eyebags. :P At syempre, may kasamang liwaliw na rin! :)
26 November 2008
Kerplunk! :P
Posted by
tsoisi
at
11:18 AM
Tags: classroom stories
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments:
Post a Comment