14 August 2008

Bagong Numero

May bago akong numero! Mabuti na lamang at maaaring tumawag na lang sa Globe hotline upang magpapalit ng numero. Mahal kasi ang bayad pag naka-roaming, kaya kahit gaano ka magtipid, pag may tumawag sa yo, o KAHIT MISSED CALL lang, malaki na ang bayad. Okay lang sa tumatawag, pero sa akin, mahal! Lalo na pag di pa rin dumarating ang stipend mo. ^_^' Opo, taghirap pa rin po ako dito. :p

Minsan kasi nakakadismaya na ang tawag na natatanggap mo ay mula lamang sa promo ng Citibank o Fitness First! Mabuti sana kung sa mga mahal mo sa buhay o sa malalapit mong mga kaibigan nanggagaling ang mga tawag.

Kaya para madali pa rin ako makontak mula sa Pinas sa pamamagitan ng SMS (lamang!), hindi ko pinaputol ang aking Globe. Pinapalitan ko na lamang ang aking siyam na taong gulang na numero.

At para sa mga nandito, meron na rin naman akong lokal na numero. Ngunit para maiwasan ang mga unsolicited na tawag, mag-PM na lamang po kung nais ninyong malaman ang aking bagong numero. :)